{
sobrang wala talaga akong masabe.....
pero nandun na ko kaya wala na kong magagawa kundi sabihin na talaga ang lahat....(ang lahat pero isa lang naman ang ugsto ko talagang sabihin eh...);
'ano kase eh.... pede ba kitang ligawan...?' banat ko ng para bang pabulong.....tapos kagat-dila pagdating ng dulo...di ko nga alam kung di nya talaga narinig, o nagbibingibingihan lang sya...
'ano?' tanong nya ng naka tignin sakin.... tapos, tingin din ako sa kanya...sa sobrang di ko alam ang gagawin ko... napa tango nalang ako,
'oo, liligawan kita', sagot ko sa isip ko....ayun.. tawa ng konte.. tapos sabi nya bigla...
'wala bang nasabi sayo si kelvin?' tanong nya...
'si kelvin? wala naman..'
'ano kase eh..., di ako nagpapaligaw...'
'ah ganun ba?, ayos yun... aral muna tayo...'
'baka galit ka na sakin nya isma.., ayos lang naman tayo diba?, baka crush lang yan...'hehe... ako, di ko masasabing gumuho ang mundo ko, dahil di naman sa kanya umiikot ang mundo ko eh.... gusto lang sanang umikot yung mundo ko nang kasabay sya.. kahit saglit lang... hehehe...
ayun.... tapos, mga 5 minuto kaming nagtabi na dalawa... kinikiskis ang lamig ng kamay sa bakal bakod sa tapat ng informatics... hanggang di na sya makapigil....
'wala ka na bang sasabihin... uiw na ko...'tumango nalang ako, 'sige lang' wala na kong kayang sabihin... kamote yan...
'hatid na kita kahit hanggang dun lang(sa sakayan ng jeep...)' aya ko.... pero
'sige, wag na... kaya ko na to.... ingat..' ang sagot nya...ayun... syempre, sa takot ko na magalit sya sakin ay di ko na ipinilit ang gusto ko...
inaya ko ang mga kaibigan ko na umuwi na dahil ayoko nang manatili sa kawawa kong sitwasyon... ayaw nilang umalis kami, gusto nilang ihatid ko sya sa sakayan ng jeep... pag tingin ko sa kanya ay malayo na sya at nakakatamad nang habulin pa... umupo nalang ako sa 10-minuto kong tinayuang tiles...
-nag laro ng cellphone,
-nagtext sa mga inaasahan kong makikiramay sakin...
-naghintay sa wala...
dumating ang kaibigan at ang iba pa.... tapos malamang, nagtanong sila kung anong nangyari... 'may blog ako' sagot ko sa kanila... at malamang, nabitin sila sa unang pi-nost ko...
}
habang naglalakad kami pauwi.. hanggang pagdating ko sa bahay... meron akong napansin...
at bago ko pa matapos itong post na ito ay meron akong bagong nalaman... ano yun? saglet lang... hehehe"ang lamig ng gabi, ang tugtog sa radyo ng kapit bahay namin, ang lahat ng mga
tao na nakasalubong ko, lahat sila, wlaang pakisama... lahat sila, kamoteng
lahat.."
No comments:
Post a Comment